ganito pala ang maging nanay
ganito pala ang maging nanay. ang dami-dami mong matutuklasan sa sarili mo.
ako kasi, walang pakialam sa buhay ko. i mean, wala akong takot na mamatay. 'yong tipong kung mabangga, e di mabangga. kung malason, e di malason. tapos! pero kaninang umaga, pag gising ko, at namulatan ko ang natutulog na si ej, ang natutulog niyang mukha directly opposite of my kagigising na mukha, parang kutsilyo sa katawan ng babaeng pinatay sa pelikulang Psycho na sumaksak sa isip ko: hindi ako puwedeng mamatay ngayon o mamya o bukas o next year o, basta sa hinaharap, kasi may EJ.
weird. pero ganito kasi, kahapon, dami kong ginawa.
1. nagpunta para magfollow up ng Dagdag Dunong projects sa Marikina
2. nag-UP para magbigay ng ia-upload na announcements sa panitikan.com (timing na timing kasi nagpasuweldo ang boss kong mabait, si eva)
3. nagpunta sa Guadalupe para magdeliver ng 46 novels ni Lualhati Bautista sa isang book shop na puro romance novels ang tinitinda at pinapaarkila. noong andun ako, mga 5pm, andaming customer ni Manong Edgar. puro babae. me estudyante, me lola, me mukhang nanay, me sidewalk vendor (naulinigan ko kasing nag-uusap sila ni Manong Edgar tungkol sa space ni manang sa gilid ng kalsada, ichichismis ko na rin sa inyo: starting next week daw, mag-aallot ng 1 square meter sa bangketa ang barangay at pulisya sa mga nagtitinda. me bayad ito P3000 per month tapos meron pa rin daw under the table na daily payment. sabi ni manong edgar, ito raw ay money making scheme lang ng mga taga-barangay at pulis...tsk...tsk...)
Nung nakita ko ang mga customer ni Manong, naisip ko, andami pa rin talaga ang nagbabasa. ordinaryong pinoy ito mga tsong. at kung gusto nga naman natin silang ieducate (i mean maging kritikal sa lahat ng bagay) sa pamamagitan ng kanilang past time, sabi nga ni anna sanchez, tayo, tayong mga manunulat ang magreach out sa kanila. baba ka muna sa toreng garing (ivory tower), dear fellow writer of the philippines, at umapak sa lupa. 'yang mga grand and noble stories and poems natin, isulat sa paraang maiintindihan at maaliw ang nakararami. PERO SIYEMPRE, EASIER SAID THAN DONE.
magpapatuloy na lang ako. tuwang tuwa na ako nang maideliver ko ang novels kay Manong kasi mula pa lang umaga na nagMarikina ako, bitbit ko na ang mga novels na ito. in fact, mas marami pa sa 46 ang bilang nito pero suwerte namang nakabenta kasi ako sa UP (thank you uli, pagkataba-tabang sir jun cruz reyes at pagkagala-galanteng ilokanong si sir arnold azurin. thank you rin ke ging na kaklase ko last sem at sa mga napilit kong mga estudyante na bumili ng novel ni Lualhati.)
4. nagMarket! Market! ako para kunin ang libre kong kopya ng aking unang nobela, Mingaw. ang publisher ko ay Philsprint at meron silang office sa 4th floor ng Market!Market! Very accommodating naman sa akin si Obi, ang editor-in-chief nito na magreresign na raw in two weeks kasi...secret na lang.
Matagal na akong excited makita ang nobelang ito. aba, siyempre anak ko yata ang mingaw. kaya laking dismaya ko nang makita ang hitsura nito: manipis at parang newsprint lang ang papel at maliit ang size, malaki pa ang dangkal ko. mukhang tigsasampung piso lang sa bangketa. pero kung titingnan ang cover na erotic ang dating, gawa sa matigas at glossy na papel, papasa namang kinse pesos. Pero putcha, wala naman yatang mag-aaksaya ng P90 (presyo sa national bookstore) sa ganung hitsura ng libro. sabi ni obi, hindi kasi pinoy dito ang talagang market ng literotika kundi ang mga OFW. Patay! sa isip-isip ko, e putcha anti-OFW nga ang Mingaw, e.
kaya eto, siguro lalakad ako nang paluhod habang nagrorosaryo sa Quiapo, pupunta ako sa Chinese Temple at mag-aalay ng insenso at prutas kay Buddha, pupuntahan ko ang tatay ko sa Manila Memorial Park, gagawa ako ng maka-Diyos na tula, magfafasting ako, sasabayan ko ang 3 o' clock prayer sa TV (promise hindi ko na ililipat) holy god, holy might one, holy immortal one have mercy on us and the whole world (repeat 3x)
baka sakaling maawa si God at paabutin niya sa sampu ang worldwide sales ng Mingaw.
nagdala na rin ako ng 25 kopya ng mingaw. consignment. so medyo mabigat ito. pero mas mabigat ang mga hakbang ko mula pa lang sa paglabas ko ng philsprint office. disappointed talaga ako. actually, me problema rin ako sa ganito. madali akong madisappoint. iba kasi ang tingin ko sa reality. ang taas ng expectation ko sa mga bagay-bagay.
example no. 1: meron akong naging close friend nung college at naging ka-lira ko pa. minsan akong na-dismaya sa taong ito dahil feeling ko hindi niya sinuklian nang tama ang taong tumulong sa kanya (hindi ako 'yon, ha? iba pa. mataas na tao tipong pambansang alagad ng sining, ganun) hanggang ngayon hindi ko siya kinakausap. reason? disappointed ako sa kanya.
example no. 2: medyo mabigat. etong tatay ni EJ na akala ko e, ako ang kaisa-isang tao na nakapedestal sa puso niya whatever happens kasi ganito naman ang turing ko sa kanya dati, iyong tipong kahit pa magboyfriend na ako, o mag-asawa ako o whatever, me space sa puso ko na tanging siya ang may-ari. DA PAWER OP PERS LAB....until nagkakuwentuhan kami years ago (break na kami that time at malaki na rin si EJ) ganito ang naging takbo...
SIYA: alam mo, meron akong babaeng gustong balikan at makatuluyan. hanggang ngayon nafi-feel ko 'to kahit me anak na siya.
AKO: (kinikilig-kilig pa ako sa point na ito kasi alam ko ang isasagot niya ay IKAW! sa itatanong ko>) Sino naman 'yan?
SIYA: Si Jing. Naiisip ko nga siya lagi e. at nakita ko siya recently.
isinaksak ko ang bote ng beer sa bunganga ko para di ko siya ma-Pisting yawa! ang gago. gago talaga. e, putcha nung time na nakilala niya ang girl na 'yon e, live in na kami. aylabyuhan nang walang humpay sa isa't isa as in every 2.6 micro seconds. nagpapangakuan ng walang-iwanan-hanggang-kamatayan. nagsesex sa tuwing maririnig ang theme song naming forevermore ng side A kahit nasa kuwarto o sala o banyo o Mcdo man kami.
SIYA: akala ko kasi wala na tayo nun.
may time na umuwi ako sa bahay ng nanay ko kasi super hirap kami sa pera nun pero kami pa. Kami pa. icacapitalize ko pa para iemphasize ang point na KAMI PA. as in aylabyuhan pa rin nang walang humpay sa isa't isa (every 2.6 micro seconds nga), nagpapangakuan pa rin ng walang-iwanan-hanggang-kamatayan at nagsesex pa rin sa tuwing maririnig ang forevermore sa kuwarto o sala o banyo o Mcdo man minsan Jollibee. at isa pa, may boypren ang Jing na 'yon. eventually, napangasawa rin niya. tapos ngayon, sasabihin sa akin ng pagkacute -cute kong ex na si Jing ang nais niyang makita, makasama, makapiling sa habampanahon?
W-O-W.
SIYA: alam mo, naalala ko pa noon, lagi kaming nagkukuwentuhan at sabay na magmeryenda pag break time. nanonood pa nga kami ng sine.
napakapit ako sa mesa. sine? gago. grabe. gago 'to, sa isip-isip ko. ginago na pala ako bata pa man kami. nadisappoint ako. matindi. sa kanya at sa pantasya ng first love. at sa love na rin mismo. Nung bata kasi ako, antaas ng tingin ko sa love.
first love never dies.
love conquers all.
in the name of love.
love ba dami love bango kay mr. clean... (ooppss...wag nang kantahin)
kaya, ayan. dati tinetext ko pa yan ng hapi berdey o meri krismas. ngayon, nungka.
so balik tayo sa mingaw. dismayado nga ako sa hitsura nito. pagbaba ko ng dyip sa Guadalupe, naglakad ako pa-MRT. nasira pa ang plastic ng dala kong mga libro so dalawang kamay kong buhat ito. ang ingay sa parteng iyon ng Guadalupe. nagkalat ang mga nagtitinda ng kalamansi, unan, sando ng bata, cover ng cellphone, tiglilimampisong baterya....palakasan ng boses ang mga barker ng dyip. amoy sunog na gulong ang paligid, ewan ko kung bakit. arangkadahan ang mga sasakyan. hindi kontento sa isang broom. kundi broooom...broooooooooooom parang gustong bingihin ang langit. nagsasanga-sanga ang mga tao.paroo't parito. ang sakit na ng paa ko. pagod na ako. mabigat ang mga libro. walang zipper ang bag ko at baka madukutan ako. pero tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. parang wala nga akong pakialam dun sa nakikita, naaamoy at naririnig ko.
ganon pala ang disappointment. minamanhid ka.
pagdating sa MRT, siksikan pa. sa mga ganong pagkakataon ko narerealize na may power ang katawan natin na lumiit nang 99.9% mula sa original size nito. pagbaba ng MRT, halos isang kilometro pa ang nilakad ko papunta sa sakayan ng dyip. tapos me trapik sa anonas corner sikatuna e once in a blue moon magkatrapik dun. so additional na lakad na naman. napagmasdan ko tuloy ang langit. kaya pala, e. Blue moon nga. bluer than blue. hay....nakauwi ako ng bahay, 8pm na at sinalubong ako ni EJ. nag-alala ako na galit siya o umiiyak kasi 6pm ang pangako kong uwi.
EJ: me ibibigay ako sa'yo.
tapos tinakpan niya ang mata ko at inakay ako papunta sa ref.
EJ: surprise!
dalawang spanish bread at isang brownies ang binigay niya sa akin. na-hipo ako. as in na-touch. kung sa ibang araw ko 'yon natanggap, hahalikan ko lang siguro siya sa pisngi, yayakapin, magte-thank you ako, tapos na. pero ito, isang araw sa buhay ko na binugbog na naman ako ng isang unseen force tulad ng pagkadismaya, ang dating sa akin, e, pag-asa, pag-ibig at buhay, nagkatawang spanish bread at brownies. mga tinapay na handog sa akin ni EJ, ang anak ko. nilantakan ko na.
ang sarap. ng lasa at ng pakiramdam.

bebang! naiyak ako... promise. hay... lalim.
Posted by: noemi | December 5, 2006 08:07 AM
uy. walang anuman. hehe.
ganyan talaga maging nanay.
at maging nanay-ng-anak-ng-gagong-tatay-ng-anak.
pag bertdey o krismas, di na rin ako bumabati. ayaw ko kasi siyang maging happy at merry!
nyahahaha!
Posted by: GinGmaGanda | December 19, 2006 05:02 PM
ganda! padalhan mo nga ako ng mingaw pati na rin ibang libro mo. Kahit mukhang tig kinse pesos lang ay bibilhin ko kahit bayaran ko pa ng 500 pesos yan.. lagyan mo na rin ng autograph ha. hehehe. seriously, natawa, natuwa at naiyak ako sa kwento mo... Ingat ka lagi. mwah.
Posted by: Jem | December 25, 2006 06:29 AM
hi bebang,
tamang-tama ang aking pagkakabasa nitong post mo. kailangan ko kasing matawa at maiyak at the same time. gaya mo, na-hipo rin ako nito. maraming salamat, bebang, sa pagsulat mo nito. para sa aking hindi magiging ina sa lifetime na ito, isa itong magandang vicarious na karanasan.
Posted by: Michael | February 13, 2007 11:07 PM
Hmmm, aliw. Ngayon kailangan ko uling-i-reclassify ang link mo sa aking linkpage at imo-move kita sa mga "blogging parents", mudra ka na pala.
Posted by: jun | February 21, 2008 04:39 PM